top of page

Malacañang, Pinangalanan ang Tatlong Itinalagang ‘Anti-COVID Czars’ Officials


Dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Coronavirus disease 2019 sa bansa ay itinalaga ng Malacañang sina Public Works Secretary Mark Villar, Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Health Undersecretary Leopoldo Vega bilang tatlo sa pinakabagong ‘Anti-COVID Czars’ ng bansa.

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Lunes, July 13 na gagampanan nina Villar ang papel bilang “isolation czar”, Magalong bilang “contact tracing czar” at Vegas bilang “treatment czar” sa paglaban ng bansa mula sa COVID-19.

Makikipagtulungan ang tatlong ‘Anti-COVID Czars’ kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and Chief Executive Officer (CEO) Vince Dizon na kamakailan ay itinalaga rin bilang COVID-19 testing czar ng bansa.

Ngayong mayroon nang tinaguriang Philippine Anti-COVID Czars, inaasahan na mas magiging malakas ang pwersa ng bansa mula sa lumulobong kaso at tumataas na fatality rate mula sa kasalukuyang lumalaganap na sakit.

bottom of page