Malacañang, Sinuspinde ang mga 'Di Kinakailangang Byahe sa Labas ng Bansa

Nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na ipagbawal ang mga byaheng palabas ng bansa na hindi maituturing na kinakailangan at importante, kasama na ang pamamasyal at turismo.
Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tanging ang may mga Roundtrip Ticket at Tourist Visas ay maaaring isaalang-alang ang rebooking.
Dagdag pa ni Roque, dapat na walang entry ban para sa mga Pilipino ang mga bansang papayagang puntahan ng mga Pinoy at dapat na may opisyal na deklarasyon na nagsasaad na alam ng isa ang mga panganib na dulot ng pagpunta sa bansang iyon.