Malakanyang Inanunsyo ang Balik-Eskwela sa August 24 at Enrollment sa June 1

Nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte may kaugnayan sa pagbubukas ng klase.
Sinabi niyang sa August 24 ang balik-eskwela ngunit sinusuri pa ng gobyreno kung ano ang magiging sitwasyon upang patuloy na maobserba ang physical at social distancing.
Dagdag pa niya, pahihintulutan lang ang face-to-face interaction sa mga lugar na wala nang community quarantine.
Samantala, ang mga nasa ilalim pa rin ng community quarantine bago ang August 24 ay kinakailangang gumamit ng "blended learning" sa pamamagitan ng internet, radyo at telebisyon.
Sa June 1 naman ang enrollment ng mga mag-aaral bilang preparasyon sa balik-eskwela ngayong taon.
Ipinihayag pa ni Roque na kailangang magpatupad ng health standards ang mga paaaralan hangga't maaari. Kung hindi, walang balik-eskwela hangga't walang bakuna.