Malakanyang Inilagay na sa GCQ ang Metro Manila Simula sa Hunyo 1

Inaprubahan na ni President Rodrigo Duterte ang paglipat ng Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) mula modified enhanced community quarantine (MECQ) sa ika-1 ng Hunyo.
Ayon sa panukalang isinumite ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Emerging Infectious Diseases sa pangulo, ang National Capital Region (NCR) ay maituturing na ngayon bilang ‘high-to-moderate-risk area’.
Kasama ng NCR sa ilalim ng GCQ ang mga lugar ng Davao City, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Pangasinan, at Albay. Samantala, ang mga natitirang parte ng bansa ay sasailalim sa modified GCQ.
Papayagan na ang ilang mass transportation sa GCQ tulad ng MRT, shuttles ng mga pribadong kumpanya, transport network vehicle services, at point-to-point buses. Gayunpaman, ‘di pa rin pinahihintulutan pumasada ang mga jeep at bus.