Malawakang Operasyon ng Contact Tracing, Isasagawa sa Maynila

Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno na magsasagawa ang kanilang lungsod ng malawakang operasyon ng contact tracing dahil sa lumulobong bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kaniyang nasasakupan.
Ani Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, pansamantalang isasarado ang mga health centers sa lungsod ng Maynila upang magbigay daan sa pagsasagawa ng malawakang COVID-19 contact tracing ng mga residenteng nagkaroon ng contact sa mga pasyente.
Itinalaga ang Manila Health Department (MHD), Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT), at Manila Barangay Bureau (MBB) na siyang mangangasiwa at pangungunahan ang pagsasagawa ng naturang operasyon sa halos 900 barangays sa Maynila.