top of page

Mandatoryong Pag-aalok ng Work-From-Home Alternative sa mga Empleyado, Isinusulong sa Senado


Photo for illustration purposes only.

Isinusulong ni Senator Imee Marcos sa Senado ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng alternatibong work-from-home arrangement ang mga empleyadong hindi kailangan ang presensya sa trabaho.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1448, mabibigyan ng work-from-home alternative ang mga empleyadong hindi na kinakailangan ang prensesya sa trabaho upang matapos ang kanilang gawain, at tumagal na ng isang taon sa kumpanya.

Ayon kay Marcos, layunin ng panukalang batas na amiyendahan at paigtingin ang "Telecommuting Act" kung saan pinahihintulutan ang mga empleyadong magtrabaho mula sa isang alternative workplace sa tulong ng telecommunication o computer technologies.

Pinunto ni Marcos na kinakailangan nang amiyendahan ang mga dating telecommuting laws upang makaangkop ang mga kumpaniya sa ‘New normal’ na dala ng pandemiya.

bottom of page