Mandatoryong Pagsusuot ng Face Mask, Face Shields, Ipapatupad sa Pasig City

Naglabas ng bagong panukala ang City Government ng Pasig na mahigpit na ipinatutupad ang mandatoryong pagsusuot ng face mask, face shields at iba pang health protocols na nasa ilalim ng panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) simula ngayong September 1.
Nakapaloob sa implementasyon ng ordinansa na pagmumultahin ang lahat ng lalabag mula P1,000 para sa first offense, P2,000 para sa second offense o makukulong ng 15 days hanggang P5,000 para naman sa third offense o isang buwang pagkakakulong depende sa magiging desisyon ng korte.
Hinimok naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga residente na sumunod at huwag isawalang bahala ang pagpapatupad ng ordinansa upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa naturang lugar.