top of page

Mandatoryong Pagsusuot ng Helmet ng mga Bicycle Riders, Ipapatupad sa QC


Photo by Miguel de Guzman.

Ipatutupad ang mandatoryong pagsusuot ng helmet ng dumadaming bilang ng mga siklista o bicycle riders sa Quezon City matapos maglabas ng bagong ordinansa si QC Mayor Joy Belmonte upang mapanatili ang kaligtasan ng mga ito sa lansangan.

Sa ilalim ng Ordinance No. SP-2942 na inaprubahan at nilagdaan ni Belmonte ay

ipinaguutos nito na ang lahat ng bicycle riders ay mandatoryo ang pagsusuot ng helmet sa kahit anong lansangan sa lungsod.

Ani Belmonte, bilang bahagi na ng 'new normal' ang paggamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon ay higit na makatutulong ang helmet para sa maayos at ligtas na biyahe patungo sa destinasyon.

Ang lalabag sa naturang ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense, P3,000 para sa second offense, at P5,000 para sa third offense.

bottom of page