top of page

Manggagawang Nawalan ng Trabaho Dahil sa COVID-19, Umabot ng Higit Dalawang Milyon

Tinatayang 2,073,362 na kabuuang bilang ng mga apektadong manggagawa ang nawalan ng trabaho mula sa 79,271 establisyimentong napilitang huminto sa operasyon dahilan ng COVID-19 pandemic sa buong bansa.

Mayroong 1.4 milyon na mangagawa naman ang apektado ng temporary closure ng mga negosyo at habang 687,000 naman ang nabawasan ng income o suweldo dahil sa alternative work arrangements ng kanilang mga kumpanya.

Ayon sa Department of Labor and Employment, ang Metro Manila ang naitalang may pinakamaraming apektadong mangagawa dahilan ng krisis na kinakaharap, pumangalawa ang Central Luzon at sinundan ito ng Davao Region.




bottom of page