top of page

Manila Gov’t Naglaan ng P200-M para sa COVID-19 Vaccines


Photo from Facebook/iskomorenodomagoso

Naglaan na ng P200 milyon ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila para sa pagbili ng COVID-19 vaccines na inaasahang darating bago matapos ang 2020.

Sa nilagdaang Ordinance No. 8659 ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno, magtatabi na ang Manila city treasurer ng P200 million na handang gamitin sa oras na na isamerkado ang mga bakuna.

Ayon kay Mayor Isko, sa ganitong paraan, hindi na kailangang hintayin ng lungsod na maipasa ang 2021 budget upang makabili sila ng vaccines.

Ipinarating rin ng Alkalde ang kaniyang kagustuhan na makapamahagi ang manila LGU ng libreng bakuna sa mga Manileño tulad ng libreng COVID-19 testing mass testing ng lungsod.

bottom of page