• Admin

Manny Pacquiao, Nagpasalamat kay Jack Ma para sa 50,000 Testing Kits Donation

Sa isang twitter post, ipinahayag ni Senator Manny Pacquiao ang kaniyang pasasalamat kay Jack Ma, isang Chinese billionaire at ang founder ng Alibaba, dahil sa pagdodonate nito ng bagong 50,000 COVID-19 testing kits.

Ito na ang pangalawang beses na nagtulungan ang Manny Pacquiao Foundation at Jack Ma Foundation upang makapagbigay ng testing and extraction kits sa iba't ibang sangay pangkalusugan sa bansa, partikular na sa Metro Manila.