Marcelino Twin Brothers, Dating Kargador sa Palengke nasa PBA na Ngayon!

Nanonood-nood lang ng PBA game sa TV ang kambal na players na sina Jaycee at Jayvee Marcelino na ngayon ay ganap nang naabot ang pangarap na makarating sa Professional Basketball Association (PBA).
No. 17 overall pick itong si Jaycee ng Alaska Aces sa PBA draft 2019. Na binigyan ng kontrata ng Uytengsu franchise, habang ang kapatid na si Jayvee nailagay pansamantala sa reserved list ng Phoenix LPG, dating Phoenix Pulse Fuel Master.
Sino bang mag aakala ang mga dating kargador sa palengke ng Olongapo City at nagtitinda ng kung anu ano at naging pahinante ito para suportahan ang kanilang pamilya ay hahantong sa pinaka mataas na level ng liga ang PBA.
Utang na loob nila sa Mayor ng Orani Bataan ang pag luwas nila sa Manila upang makapag tryout sa Adamson University.
Ngunit sadyang hindi sila para sa Falcons kundi sa Lyceum University na binigyan sila ng pagkakataon ni coach Topex Robinson na makapasok at maging scholar sa naturang school bilang varsity player.
Bagamat muntikan nang sumuko ang magkapatid sa kanilang pangarap para maging basketball player sa Lyceum. Mas umiral pa rin sa kanila ang pagbibigay ng magandang kinabukasan ka kanilang mama, at mga kapatid.
Excited na si Jaycee na mag simula na ang PBA ngayong October o November kapag natapos na ang Modified Enhanced Community Quarantine at puwede ng makabalik sa practices ang mga teams ng PBA next week kung sakali.
Saludo si coach Jeffrey Cariaso sa rookie nilang si Marcelino, na animo beteranong player na.