top of page

Marck Espejo, Magiging Import sa Bahrain Volleyball League


Photo from Facebook/Marck Jesus Espejo

Muling masusubukan ang husay sa paglalaro ni Marck Espejo ng Ateneo Blue Eagle Volleyball men's team matapos itong kuhain bilang import ng isang team sa Bahrain League.


Si Espejo ay naglaro sa bansa noong 2019 na pinangunahan ang Philippine men’s volleyball team para makuha ang silver medal sa 30th Southeast Asian Games at tinulungan ang Cignal HD Spikers sa dalawang championships sa Spikers’ Turf Reinforced and Open conference.

Ipapakilala ng National player ang husay ng pinoy sa Bahrain na sa unang pagkakataon ngayon pa lamang ang isang pinoy na nakapaglaro sa tatlong bansa matapos niyang dalhin ang kanyang galing sa Bahrain.

Magiging katuwang si Espejo sa team ng Bani Jamra para sa Bahrain League. Ang 6'3 spiker ay lalaro simula ng Nobyembre 8, 2020 hanggang sa Enero 30, 2021.


Ang liga ng Bahrain ay malaking tulong umano sa career ni Marck lalo na gagawin ito sa gulf area na magsisilbing magandang exposure sa kanya.


Nakatakdang magbukas ang volleyball league ngayong linggong ito, first division league ng Bahrain. Ang walong teams na kalahok ay ang Al Muharraq, Al Ahly, Al Najma, Dar Kulaib, Al Nasr, Al Busaiteen at A’ali.


Hindi agad makakapaglaro si Espejo sa unang game ng liga dahil darating ito sa Bahrain tatlong araw bago ang magsimula ang tournament.


Bale ito ang pangatlong paglalaro ng Pinoy volleyball phenom sa ibang bansa. Una siya naging import sa Japan V. League na Oita Miyoshi; pangalawa sa Visakha Volleyball Club sa Thailand League at ngayon ay sa Bahrain.

bottom of page