Maria Ressa, Hinatulang Guilty sa Kasong Cyber Libel

Hinatulang nagkasala ng Manila Regional Trial Court sa kasong cyber libel sina Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa at dating researcher-writer Reynaldo Santos Jr.
Guilty beyond reasonable doubt sina Ressa at Santos sa paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act specifically for cyber libel sa desisyong ibinaba ni Manila RTC Judge Rainelda Estacio-Montesa.
Iniutos ng korte ang parusang anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong
sa dalawa, at kabuuang multa na P400,000 para sa moral at exemplary damages.
Sinabi naman ni Judge Estacio-Montesa na bagamat may karapatan sa malayang
pagpapahayag ang bawat tao at mamamahayag, dapat pa ring maging responsable ang
mga ito sa bawat aksyon na gagawin.
Umapela naman si Ressa sa publiko na huwag matakot magsalita at ipahayag ang
kanilang opinion.