top of page

Mas Mahigipit na Quarantine Restrictions para sa Cebu City


Contributed Photo.

Kinakailangan ang “stringent” o mas mahigpit na pagpapatupad ng quarantine restrictions sa Cebu City matapos bumulusok ang bilang ng mga nagpostibo sa coronavirus disease 2019 doon.

Ito ang pananaw ni Inter-Agency Task Force chief implementer Secretary Carlito Galvez dahil sa patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa buong lungsod ng Cebu kahit na ito’y nasa ilalim pa ng mas mahigpit na lockdown matapos isailalim ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Enhanced Community Quarantine noong simula ng Hunyo.

Kasalukuyang inoobserbahan ng mga otoridad ang ilang mga lugar sa lungsod ng Cebu na may matataas na kaso ng sakit upang masiguro ang kaligtasan, seguridad ng mga ito sa kalusugan at mahigpit na pagsunod ng mga residente sa quarantine protocols ng gobyerno.

Sinabi naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang Cebu City ang bagong epicenter ng COVID-19 outbreak sa buong Pilipinas.

bottom of page