top of page

Mass Gatherings sa Kolehiyo at Unibersidad, Pinayagan na sa Ilalim Ng MGCQ


Photo is for illustration purposes only.

Pinayagan na ng Malacañang ang pagtitipon sa mga kolehiyo at unibersidad matapos inanunsyo si Presidential spokesman Harry Roque na iniangat na ng Palasyo ang mass gatherings ban sa mga higher educational institutions na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Ayon kay Roque, bagama’t pinapayagan na ang mga pagtitipon sa mga nasabing educational institutions ay mahigpit parin dapat ang pagsunod sa existing guidelines ng MGCQ gaya ng 50% capacity rule ng gobyerno.

Dagdag ni Roque, pinapayagan na rin ang face-to-face classes sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nasa ilalim din ng MGCQ hangga’t nasusunod ang public health standards ng local government unit.

bottom of page