• Tj Ovivir

Mass Testing sa PUV Drivers, Sinimulan na ng Gobyerno


Photo from Grab's Facebook Page.

Nasa mahigit 150 Grab drivers ang nakibahagi sa programa ng gobyerno na mass testing sa mga public utility vehicle (PUV) drivers sa Quezon Memorial Circle, bilang bahagi ng malawakang solusyon ng pamahalaan upang malabanan ang COVID-19 pandemic.

Pinangungunahan ito ni Philippine testing czar Vince Dizon na nagsabing kabilang din sa programang ito ang mga driver ng jeepneys, buses, UV Express vans at tricycles via PhilHealth, at hindi titigil sa testing ang proseso. Sinabi niyang kailangng i-trace, test and treat ang mga maaapektuhan ng kumakalat na sakit.

Ayon naman kay Inter-Agency Task Force Carlito Galvez Jr., ang mga PUV drivers ang may "maximum contact" sa komunidad at mas exposed ang mga ito sa napakaraming tao araw-araw kaya naman maituturing silang mas vulnerable at prone sa pagka-hawa.