top of page

Mayor Sara Pinaghahanda ng 2 Milyong Piso ang mga Quarantine Violators sa Davao

Pinaghahanda ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio ang lahat ng quarantine violators ng kanilang last will at P2 milyong piso kung sakaling mahawaan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang mga residente sa Davao.

Naghayag ng pagkadismaya ang alkalde nang malaman ang karamihan sa mga residente ng Davao ay nagsisilabasan na ng malagay ang probinsya sa unang araw ng general community quarantine.

Nagbabala naman ang local na pamahalaan na hindi nila sasagutin ang mga hospital expenses ng taong mahahawaan ng virus kung sakaling lumabag ito sa panuntunan ng quarantine.

Ani Carpio, kahit nasa ilalim na ng general community quarantine ang lungsod ng Davao ay mahigpit at limitado parin ang pagbili ng mga essential goods gaya ng pagkain at medisina, ganoon din ang pagpasok sa trabaho ng ilang mamamayan sa lungsod.

Samantala, kaliwa’t kanan ang balita tungkol sa hindi pagsunod ng mga tao sa social distancing sa ilang mga malls na muling nagbukas sa unang araw ng general community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa.



bottom of page