• Estephany Rivera

Mayor Vico Sotto, Pinayagan ang 5-second Kiss ng Dalawang Newly-Wed Couples


Photo from Mayor Vico Sotto's Twitter Account.

Pinahintulutan ni Pasig City Mayor ang dalawang bagong kasal sa lungsod na magtanggal ng face mask at tapusin ang mahalagang seremonya sa isang 5-second kiss.

Sa tweet ni Sotto, nakakuha na umano ng marriage licenses ang dalawang pares bago pa ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa (ECQ) at naudlot ang kanilang mga kasal dahil sa lockdown.

Bagamat inaalis na ang ilang quarantine restrictions sa Metro Manila, sinisiguro pa rin ng mga awtoridad na nasusundan ang health at physical distancing protocols upang maiwasan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

Pinaalalahanan naman ni Mayor Sotto, ang mga mamamayan ng lungsod Pasig na may expiring marriage license na tumawag lamang sa Pasig City Hall upang mai-schedule ang civil ceremony.