Medical Frontliners na Natamaan ng COVID-19, Makatatanggap ng Cash Grant

Makatatanggap ng P10,000 cash assistance ang mga medical frontliners na natamaan ng COVID-19 matapos aprubahan ni President Rodrigo Duterte ang panukala ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.
Sa pulong sa Malacañang, ipinahayag ni Duterte ang kaniyang pagsang-ayon sa panukala ni Glavez at sinabing kaya pa itong itaas sa P15,000.
Iminungkahi din ng pangulo na mabigyan ng stipend at karagdagang benefits ang health care workers sa ilalim ng We Recover as One Law.
Sa ilalim ng lumipas na ngayong Bayanihan to Heal as One Act, mga health workers na nasa lubhang kalagayan lamang ang makatatanggap ng P100,000 samantalang mabibigyan naman ng P1 million ang pamilya ng mga medical frontliners na pumanaw dahil sa COVID-19.