top of page

Mega Quarantine Facility sa Cavite, Binuksan na!


Photo from Facebook/DPWH.

Binuksan na ang COVID-19 mega isolation facility sa Carmona, Cavite na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019.

Matatagpuan ang mega isolation facility sa Barangay Lantic Carmona, Cavite na naglalaman ng 151-bed mega quarantine facility para sa COVID-19 patients at quarter rooms para naman sa mga medical frontliners.

Ayon kay DPWH Secretary Mark A. Villar, maliban sa mga residente ng Carmona sa Cavite ay tatanggap din ang naturang pasilidad ng mga pasyente mula sa iba pang industrial zone na nakapaloob sa Region 4-A, kabilang ang Laguna, Batangas, Rizal at Quezon area.

Kaugnay nito, nakaplano pang magtayo ang DPWH ng isolation facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa sakaling hindi na kayanin ng mga ospital ang patanggap sa sumisipang bilang ng mga pasyente

bottom of page