Mehan Garden sa Maynila, Lalagyan ng Air Quality Monitor

Nakipagtulungan ang Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa Manila City Government sa paglalagay ng isang air quality monitor sa Mehan Garden, Ermita, Manila.
Ayon sa DENR-EMB, ito raw ang kauna-unahang Teledyne T640 PM analyser sa bansa na kayang sukatin ang atmospheric particulate matter (PM 2.5) mula sa mga power plants, motor vehicles, eroplano, nasusunog na kahoy at halaman, pagsabog ng bulkan, at iba pa.
Sinabi ni DENR-EMB NCR Regional Director Domingo Clemente, Jr. na isa ang air pollution sa mga leading ‘environmental risks’ sa mundo at kailangan itong pag-aralan at alisin.
Ipinahayag naman ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kaniyang pagsang-ayon sa plano upang Makita raw kung gumagana ang mga aksyon na ginagawa ng lungsod upang maibsan ang pollution.