top of page

Melatonin, Pinag-aaralan ng DOST bilang Posibleng Gamot sa COVID


Photo is for illustration purposes only.

Aprubado na ng Philippine Council for Health Research and Development ang clinical trial ng melatonin, gamot na karaniwang ginagamit na pampatulog, bilang supplementary treatment sa COVID-19.

Naglaan ng P9.8 million ang Department of Science and Technology (DOST) para sa clinical trials na pangungunahan ng isang grupo ng mga doktor mula sa Manila Doctors Hospital. Ang trial ay tatagal ng apat na buwan at isasagawa sa 350 COVID patients.

Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, nakita sa mga naunang pag-aaral na gumanda ang kalagayan ng mga COVID patients na may pneumonia at iba pang high-risk features.

Binigyang-diin din ni Dela Peña na ang kamurahan ng gamot, sa halagang P20 kada 3mg capsule at ito rin ay ligtas at karaniwang mabibili sa mga drugstores.

bottom of page