Mensahero Sa Tondo, Viral Matapos Gumamit Ng Bisikletang Pambata


Photo from facebook.com/maryreducto

Viral ang 35 anyos na mensahero sa Tondo matapos gumamit ng bisikleta na mayroong training wheels na kalimitang ginagamit ng mga bata.

Dahil hirap ito sa pag gamit ng bisikleta naisipan ni Alex Bodoso, mensahero sa Makati na lagyan ng third wheel ang kanyang bike para makapasok sa trabaho.

Kung noon ay inaabot siya nang halos apat na oras o higit pa, ngayon dalawa hanggang tatlong oras na lamang ang kanyang biyahe patungo sa trabaho gamit ang nasabing bisikleta.

Ayon kay Bodoso, kung hindi aniya pipiliting matutong mag-bisikleta hindi ito makapapasok sa trabaho at hindi niya matutustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Umani naman ng sari-saring reaksyon mula sa publiko ang naging viral post sa social media na naglalaman ng litrato ni Alex kasama ang kanyang bisikleta.

Matatandaan isa ang bisikleta na nakikitang solusyon ng gobyerno bilang allternatibong transportasyon dahil sa mahigpit na restriksyon parin sa mga pampublikong sasakyan.