top of page

Mental Health Concerns Lumobo sa Gitna ng COVID-19 Pandemic

Bumuhos ang tawag ng tulong sa mental health ng mga taong nangangailangan sa gitna ng COVID-19 crisis.

Mula sa 102 kada araw ay dumoble ng 200 ang call volume ng National Center for Mental Health simula nang maimplementa ang kasalukuyang umiiral na enhanced community quarantine sa bansa ayon kay NCMH chief Dr. Roland Cortez. Sinabi ni Dr. Cortez, dahil sa pagdagsa ng mga taong nangangailangan ng tulong pangkaisipan ay nagdagdag sila ng taong tutugon sa kanilang hotline at kinailangang limitahan ang face-to face na pagkonsulta para lamang sa may mild cases, habang may konsiderasyon sa special cases. Hinimok naman ni Cortez ang publiko na gamitin sa mabuting paraan ang ECQ at samantalahin na magkaroon ng quality time kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan sa pamamagitan ng pakikinig sa paboritong tugtugin at panood ng pelikula para madivert ang isipan sa masasayang bagay.



bottom of page