top of page

Mental Health Hotline, Bumuhos ang Tawag


Photo is for illustration purposes only.

Bumuhos ang tawag sa hotline ng National Center for Mental Health (NCMH) nang magsimula ang kaliwa’t kanang lockdown sa buong bansa.

Mula sa 60 hanggang 80 natatanggap na tawag mula sa hotline ay umabot na ito sa humigit kumulang 400 kada buwan nang magsimula ang quarantine noong Marso.

Matinding anxiety, depression at iba pang mental conditions ay ilan lamang sa mga natatanggap na tawag ng hotline mula sa iba’t ibang tao, ayon kay NCMH director Rolando Cortez.

Kung dati ay 2 hanggang 3 lamang na tawag kada araw na natatanggap ng NCMH sa 24/7 hotline nito, ngayon, halos 10 hanggang 13 kada araw na ang tumatawag sa kanilang tanggapan, kadalasan sa mga ito ay nakakaranas ng anxiety at depression.

Bukod sa pisikal nating pakikipaglaban sa krisis na kasalukuyang kinakaharap, apektado rin ang kalusugang pangkaisipan natin sa mga kaganapan na nangyayari sa paligid dahilan ng COVID-19.

bottom of page