• Admin

Meralco, Handang Tumanggap ng Reklamo sa mga Electric Bill sa Nakalipas na 2 Buwan

Dahil sa biglaang pagtaas ng bill ng kuryente, inanunsyo ng Meralco na bukas ito sa anumang reklamo at hinaing ng mga power consumer para sa buwan ng Marso hanggang Mayo.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, isinama sa bill ngayong Mayo ang mga konsumo ng kuryente noon Marso at Abril dahil "estimate" lamang daw ang mga iyon.

Dahil sa sunod-sunod na reklamo ng mga consumer, handang panagutan ng Meralco ang mga katanungan at nilalayon nilang resolbahin agad ang mga ito.

Dagdag pa niya, magiging normal ulit ang pag-iissue ng electric bill sa mga susunod na buwan at hindi prayoridad ng Meralco ang pagputol sa linya ng mga kuryente sa panahong ito ng krisis.



11 views