Merit Scholars para sa Kolehiyo Ngayong Taon Wala Muna dahil sa COVID
Ipinahayag ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera III na hindi na makapaghahandog ng merit government scholarships para sa school year 2020-2021 ang ahensya dahil sa realigned budget ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Ayon kay De Vera, hindi na raw masusuportahan ng departamento ang mga dati na o
continuing scholars kung tatanggap pa sila ng mga bagong scholars matapos
pansamantalang i-withhold ng Department of Budget and Management ang pondo para sa ilan nilang programa.
Sumag-ayon naman ang DBM sa hiling ng CHED na huwag itigil ang pagpopondo para
sa libreng matrikula sa kolehiyo.
