• Estephany Rivera

Metro Manila at Iba pang Probinsiya, Sasailalim sa GCQ sa Buong Buwan ng Setyembre


Inanunsiyo ni President Rodrigo Duterte na mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang mga probinsiya sa buong buwan ng Setyembre.

Sinabi ng Pangulo na magpapatupad ang pamahalaan ng mga mas mahusay na stratehiya upang sugpuin ang pagkalat ng COVID-29 pandemic.

Ito’y matapos itala ng Department of Health na 55% o mahigit 122,000 COVID-19 cases mula sa 220,000 cases sa buong bansa ang mula sa National Capital Region (NCR).

Kabilang sa mga lugar na sa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan at Batangas, at mga lungsod ng Tacloban at Bacolod.

Samantala, magpapatupad naman ng mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine ang Iligan City matapos umakyat ang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod.