top of page

Mga Abogado, Pwede ng Pumasok sa ECQ Areas


Malugod na tinanggap ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang desisyon ng gobyerno na payagan na ang mga abogadong pumasok sa mga lugar na nasa enhanced community quarantine (ECQ) upang tulungan ang kanilang mga kliyente.

Sinabi ni IBP President Domingo Egon Cayosa na hiniling na ng organisasyon, noon pang April 18, sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan ang pagbyahe ng mga abogado kahit pa sa ECQ areas.

Ayon kay Cayosa, kinakailangan ang presensya ng mga abogado bilang taga-payo lalo na sa mga kinasuhan, inaresto, o di kaya’y nakakulong na mamayan, batay na din sa nakasaad sa konstitusyon.

Idineklara ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang anunsiyo nang iutos ni President Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng ECQ sa mga siyudad ng Cebu at Talisay.

bottom of page