Mga Applications na Ginagamit para 'Mag-stalk', Hindi na Ieendorso ng Google

Talamak ngayon ang mga 'stalkerware' apps na ginagamit ng mga magkasintahan at mag-asawa upang sundan ang location ng kanilang mga partner, pero nakatakda nang i-ban ng technology giant na Google ang mga software na ito.
Simula August 11, hindi na i-aadvertise ng Google ang mga application na naglalayong i-track ang kinaroroonan ng isang kabiyak ng walang consent nito, dahil lumilitaw sa datos na kadalasang ginagamit ito ng mga abusive partners para sa karahasan.
Kasama dito ang mga texting at calling apps na may GPS, pati na ang mga hardware devices kagaya ng spying devices gaya ng cameras at audio recorders na ang tanging layunin ay ang mang-stalk.
Sususpendihin ng Google ang mga software at hardware instruments na ito at magpapadala ng warning o notice, seven days bago ito alisin.