Mga Atleta, Balik na sa Ensayo para 2021 Olympics

Naghahanda ng bumalik ang mga Atletang lalaban sa Olympic na nakatakda sa Hulyo 2021 na gaganapin sa Japan.
Ipinahayag ni Philippine Chef de Mission 2020 Tokyo Olympics Mariano Araneta na pinag-aaralan na ng Philippine Sports Commission o PSC ang protocol para sa mga atleta na magbabalik sa kani- kanilang ensayo.
Sinabi pa ni Araneta na nakipag ugnayan na rin siya sa Philippine Olympic Commission (POC) at sa National Sports Association (NSA) at pinag uusapan ang protocol na gagawin at venue na gagamitin.
Inaasahan naman na gagamitin ng mga atleta bilang bubble sa kanilang ensayo ang PhiSports Arena sa Pasig para matiyak ang pagpasok sa Olympics ng ilang atleta na lalaban sa qualifiers.
Idinagdag pa ni Araneta na para ma inspired ang mga Atleta na pagbutihin ang paghahanda, nakahanda ang Gobyerno na bigyan ng suporta ang mga manlalaro.