Mga Awtoridad, Paiigtingin ang Policy Measures upang Maialis ang Bansa sa Recession

Magtutulungan ang mga pinansiyal na kagawaran at awtoridad upang makapagpatupad ng bagong policy measures sa bansa at masiguro na hindi sasailalim ang bansa sa malawakang economic contraction.
Siniguro ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin E. Diokno na hindi bababa ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa 16.5 percent na naitala noong April-June, at na tatalakayin ito ng August 20 Monetary Board policy.
Dahil mas mataas ang economic recession na naitala kaysa sa inaasahan, sinabi ni Diokno na hihintayin nito ang payo at suhestiyon ng BSP Advisory Committee nang tanungin kung ano ang mga bagong monetary policy na mapatutupad.