Mga Babaeng Pari, Nadaig na sa Bilang ang mga Lalaking Pari sa Sweden

Animnapung taon pagkatapos ma-orden ang kauna-unahang babaeng pari sa Church of Sweden, mas marami na ang mga babae kesa sa lalaki na kaparian ng Lutheran national church ng bansa.
Ayon kay Church of Sweden Secretary Cristina Grenholm, 50.1% o 1,533 sa 3,060 na pari ng nasabing simbahan ang kababaihan.
Pinayagan ng Lutheran Church of Sweden ang pag-oordena ng mga babaeng pari mula noong 1958 at naitalaga ang tatlong kababaihan bilang pari noong 1960.
Bagamat nainormalize na ang mga babaeng pari sa relihiyon, ayon sa dyaryo ng simbahan Kyrkans Tidning na mas malaki pa rin ang sweldo ng mga kalalakihang pari kesa sa counterpart nito.