Mga Bagong Bituin sa Milky Way, Natuklasan ng Astronomers

Isang kumpol ng 250 na bituin, na may lawak na 6,000 light years, ang natuklasan ng mga astronomers sa Milky Way galaxy malapit sa paligid ng Sun.
Sa pag-aaral na inilathala ng Nature Astronomy journal, ang grupo ng mga bituin na pinangalanang Nyx, mula sa Griyegong Diyosa ng gabi, ay hindi nagmula sa ating kalawakan ngunit umiikot kasama ng galactic disk nito.
Ayon kay study author at theoretical physics postdoctoral scholar Lina Necib, ang Nyx ay posibleng nabuo mula sa isang merger o di kaya’y mula sa collision ng disk stars sa disk ng Milky Way.
Mergers ang kung paano lumaki ang mga galaxy kung saan kinakain nila ang mga kapitbahay na kalawakan.