Mga Bagong Palatuntunan, Susundan na sa ‘New Normal’ ng Simbahan
Inihain ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang pitong (7) pahinang protocol na susundan ng lahat ng simbahan sa ilalim ng Archdiocese of Manila upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa muling pagsasagawa ng mga pampublikong misa sa Maynila pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Pabillo, sa pamamagitan ng bagong protocol ay makokontrol ang mga nagsisimba at maiiwasan ang congestion sa mga misa.
Kabilang sa guidelines ang paglalagay ng entrance and exit marks sa mga pintuan na mayroong magbabantay, footbaths at sanitizers sa bungad ng simbahan at ang pagbibigay ng facemask bago pumasok.
Maglalaan din ng 30 minuto pagkatapos ng misa para sa gagawing sanitation sa loob ng simbahan bago papasukin ang mga magsisimba.
Nilinaw din ng CBCP na ang lingguhang misa ay limitado muna sa Arcdiocese ng Manila samantalang tuloy naman ang online masses.
