Mga Barangay sa Maynila na Walang Kaso ng COVID-19 sa Setyembre at Oktubre, Tatanggap ng P100,000

Magbabahagi ng P100,000 ang Manila City Local Government Unit (LGU) sa lahat ng barangay nito na walang maitatalang kaso COVID-19 sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre.
Sinabi ni Mayor Isko Moreno na maglalaan umano ng mahigit P86.6 milyon ang pamahalaan ng Maynila para sa hamon nila sa 896 barangay ng lungsod.
Dagdag pa ni Mayor Isko na naniniwala siyang kayang maging COVID-free ng mga barangay sa loob ng dalawang buwan.
Maliban sa P100,000, tatanggap din ng sertipiko ang mga barangay at lahat ng COVID-19 data na ipapasa sa Manila government ay patototohanan ng Manila Health Department.