• Estephany Rivera

Mga Bigating Female Hollywood Stars, Bumuo ng Professional Women Soccer Team


Magdedebut sa women’s pro soccer league ang pro soccer team na binuo nina Hollywood star Natalie Portman, Jessica Chastain, Eva Longoria, America Ferrera, Jennifer Garner at, tennis megastar Serena Williams.

Maglalaro sa 2022 National Women’s Soccer League ang grupo, na tinawag na ‘Angel City’, bilang 11th team na kalahok sa patimpalak.

Masigasig na inanunsiyo ni Oscar winner Natalie Portman ang pagbuo ng kauna-unahang women majority-owned and led ownership group at sinabing ito’y isang malaking pagbabago para sa mga babaeng atleta.