Mga Empleyado ng ABS-CBN na Mawawalan ng Trabaho, Maaaring Makatanggap ng Tulong mula sa Gobyerno

Sa kabila ng ng desisyon ng House Committee on Legislative Franchises na nagbabawal sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaaring makatanggap ng benepisyo ang mga empleyado ng naturang network mula sa iba't ibang kagawaran ng gobyerno.
Sinabi niya na magbibigay ang Department of Labor and Employment, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Pag-IBIG fund, at ang Land Bank of the Philippines ng mga tulong sa mga trabahador ng ABS-CBN.