Mga Empleyado ng San Miguel Corporation, Tatanggap ng Buong Sahod sa kabila ng ECQ Extension

Mahigit 66,000 na empleyado ng San Miguel Corporation kabilang na ang mga consultant at contract workers ay makakatanggap parin ng buong suweldo sa kabila ng kasalukuyang umiiral na Enhanced Community Quarantine sa bansa.

Nag-release na ng buong compensation benefits ang SMC na aabot sa P3 bilyong piso para sa kanilang 66,557 na empleyado ayon kay San Miguel Corporation Chief Operating Officer Ramon Ang.

Sinabi ni Ang, sa mga ganitong krisis na kinakaharap ng bansa ay importante parin ang kaligtasan at seguridad ng kanilang mga manggagawa.

Dagdag pa ni Ang, tuluy-tuloy parin ang pagtulong at pagbibigay ng donasyon ng San Miguel Corporation, kabilang ang pamamahagi ng alcohol sa mga ospital, flour, libreng toll at pamimigay ng Personal Protective Equipments (PPE) na umabot na sa higit P1 bilyong piso.