Mga Empleyadong Balik-Trabaho sa Metro Manila, 'Di na Sasailalim sa COVID-19 Tests
Hindi na kailangan sumailalim sa COVID-19 tests ang mga empleyadong babalik sa trabaho sa Metro Manila.
Ito nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine.
Aniya, hangga't walang walang exposure at contact ang mga trabahador sa mga COVID-19 positive, papayagan silang makabalik sa kani-kanilang mga trabaho.
Gayunman sinabi ni Vergeire, pananagutan ng mga kompanya at employers na suriing mabuti ang bawat empleyado sa pamamagitan ng daily temperature check, symptom monitoring, physical distancing, mandatory na pagsusuot ng masks, striktong hand hygiene, cough etiquette at pagsuot ng personal protective equipment (PPE) sa loob ng workplace.
