top of page

Mga Guro, Tatanggap ng Ayuda sa Bayanihan 2 Act


Makatatanggap ng one-time cash aid ang mga guro, non-teaching personnel, at part-time faculty members sa kolehiyo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Napagkasunduan ng mga mambabatas mula sa Senado at Kamara na maglaan ng P300 million para sa ayuda sa mga guro na hindi nakatanggap ng cash aid sa naunang Bayanihan Act.

Pinapanukala din sa batas ang pagtatabi ng P17 billion para sa unemployment o involuntary separation assistance ng mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya.

Kabilang din sa panukalang batas ang paglalaan ng estimated P15 billion upang pondohan ang cash for work program, hiring ng mga manggagawang kailangan para sa COVID-19 response, at emergency subsidy para sa mga nawalan ng trabaho sa mga industriyang lubhang naapektuhan ng COVID-19.

bottom of page