Mga Halaman naging Audience sa Muling Pagbubukas ng Barcelona Opera House

Umabot sa 2,292 na halaman ang pumuno sa mga upuan ng Gran Teatre del Liceu sa Barcelona sa muli nitong pagbubukas matapos tuluyan nang alisin ang 3-month lockdown sa Espanya.
Sa website ng Liceu, sinabi ng opera house na nagbigay ng pananaw ang mga organizers na kailangan nating magkaisa tulad ng relasyon sa kalikasan, lalo na sa panahon ngayon.
Kasama sa obrang ito ni conceptual artist Eugenio Empudia, tumugtog din ang UceLi Quartet ng ‘Crisantemi’ ni Giacomo Puccini na pwedeng mapanuod ng human audience via livestream.
Ipamamahagi ang mga halaman, na mula sa local nurseries, sa 2,292 health care professional’s ng Hospital Clínic of Bacelona