top of page

Mga HEI sa Davao City, Magsasagawa ng Face-To-Face Exams at Classes Ngayong September 1


Sa kabila ng pagpapatupad ng kaliwa’t kanang quarantine restrictions sa bansa, nakaplanong magsagawa ng face-to-face exams at classes kung kinakailangan ang mga Higher Education Institutions (HEIs) sa Davao City ngayong September 1.

Bagama’t kasalukuyang lumalaganap ang pandemya sa buong bansa, unti-unting sinusubukan ng city government ng Davao na makabangon at maibalik sa normal ang kanilang pamumuhay sa kabila ng kinakaharap na krisis.

Sa ilalim ng Executive Order No. 47 na inihain ni Davao City Mayor Sara Duterte, pinahihintulutan ang mga HEIs na isagawa ang face-to-face exams at classes basta’t nasusunod ang minimum public health standards gaya ng pagsusuot ng face mask, pagpapanatili ng one-meter physical distancing at 50 percent capacity rule sa bawat classroom.

Dagdag ng alkalde, maari ring mag-conduct ng face-to face training ang mga technical and vocational education at training centers hangga’t mahigpit na sumusunod ang mga ito sa health protocols ng pamahalaan.

bottom of page