Mga Journalist at Iba Pang Media Workers, Pinapurihan ng Malakanyang sa Paghawak ng Isyu sa Covid-19
Binigyang pugay ng Malacañang ang mga mamamahayag at iba pang manggagawa sa media na isa sa mga may mahalagang tungkuling ginagampanan sa gitna ng kasalukuyang umiiral na pandemic na laganap sa buong mundo.
Tiniyak naman ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy na itataguyod ang karapatan ng malayang pamamahayag sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pangunahing pangangailangan aniya ng mga Pilipino sa kasalukuyan ay ang kamalayan sa krisis na kinakaharap, bahagi na rito ang napapanahon, wasto at transparent na impormasyon para sa lahat.
Gayunpaman, dalangin ni Roque sa lahat ng journalists ang pananatili ang kaligtasan sa kanilang tungkulin sa mga panahong ito.
