Mga Kababaihan, Mas Mataas ang Resistensiya Laban COVID-19

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Yale University, natuklasan na mas matibay at malakas ang immune response ng mga kababaihan laban sa mga virus tulad ng SARS-CoV-2 na nagdudulot ng COVID-19.
Sa pananaliksik sa Nature journal, naitalang 60 porsyento umano ng mga pumanaw dahil sa COVID-19 ay Kalalakihan, particular na ang mga may edad.
Ayon kay Immunity Specialist Akiko Iwasaki, pinuno ng pag-aaral sa Yale, maaaring iparating ng pag-aaral na mas kailangan ng ibang medical treatment ng mga kalalakihan sa kababaihan upang maayos na malabanan ang COVID-19.
Natagpuan na may mas malakas na T Lymphocytes Immune Response ang mga Kababaihan, Isang uri ng white blood cell na pumupuksa sa virus.
Samantalang mas mahina naman ang T Cell activity sa mga kalalakihan.