• Malou Manuel

Mga Koponan, Nagsimula na ang Ensayo bilang paghahanda sa “PBA Bubble” sa Clark, Pampanga


Nagsimula nang magensayo ang labing dalawang team ng PBA, para sa paghahanda ng bubble concept.


Bago binigyan ng go signal na pwede nang magsipag ensayo ang mga teams ay dumaan muna muli ang mga players, coaching staff, utilities at personnel ng bawat koponan sa swab tests.


Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, lahat naman ay negatibo ang resulta sa corona virus disease bago pumasok ang mga ito sa bubble Clark, Pampanga.


Naging madesiplina ang mga players kaya epektibo ang kanilang ginawa na pag-aalaga sa kanilang mga sarili.


Unang grupong nag ensayo ang team ng Meralco at Magnolia na nasa fourth floor, Ang Phoenix at Terrafirma (Dating Columbian Dyip) gamit naman ang second floor na hiniram ang wooden flooring ng Philippine Arena.


Ang practice ng teams ay isinasagawa sa Angeles University Foundation Gym.

Ang 45th PBA Season, Philippine Cup ay magsisimula sa October 11, 2020. Dalawang games ang gagawin at araw-araw ang magiging laro upang matapos ito sa loob ng dalawang buwan.