Mga Lokal na Opisyal na ‘Di Magpapapasok ng OFWs, Kakasuhan
Criminal charges ang haharapin ng mga local government officials na tatangging magpapasok ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ang babala ni President Rodrigo Duterte sa kaniyang public public address kung saan pinaalala ng pangulo sa mga local government units na wala silang kakayahang pumigil sa entry ng OFWs na gustong umuwi sa kanilang lugar at ang national government lamang ang may kapangyarihang magtakda ng travel restrictions.
Bagamat sinabi ng pangulo na naiintindihan umano niya ang dahilan ng mga LGUs, ‘malupit’ pa rin daw ang hindi pagtanggap sa mga ito.
Siniguro naman ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng 24,000 OFWs na pauuwiin ng gobyerno.
