top of page

Mga Mambabatas, Pinayuhan ang DICT na Pabilisin ang Pagtatayo ng Cell Sites sa mga Liblib na Lugar


Sa panahon ng pandemya kung saan pinapaikot na ng internet ang mundo, nais pabilisin ng mga kongresista ang pagtatayo ng mga cell sites sa mga far-flung areas or liblib na lugar sa bansa sa pamamagitan ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ipinahayag nina Rizal Representative Juan Fidel Felipe Nograles at Ang Probinsyano party-list Representative Ronnie Ong na hindi lang dapat mga imprastraktura ang gawing prayoridad ng pamahalaan, kundi ang epektibo at episyenteng internet system sa bansa lalo na't malapit na ang balik-eskwela ngayong taon.

Ang DICT ang tutulong at makikipag-ugnayan sa mga telecommunication companies may kaugnayan sa kanilang permit at mga proseso sa pagtatayo ng mga cell sites.

Sa kasalukuyan, nasa 24 na mga independent tower companies ang nagsabing makikipag-tulungan sila dito at sa kalaunan, ay makikipag-ugnayan sa mga telecommunication companies.

bottom of page