top of page

Mga Manok, Nag-amok sa Isang Village sa New Zealand


Photo for illustration purposes only.

Nabulabog ang mga residente ng Titirangi Village sa New Zealand sa ‘di umanoy pag-aamok ng mga manok simula nang bawiin ang lockdown sa bansa noong June 10.

Bagamat mayroong mga residenteng natutuwa sa mga manok, marami ring mga taga-Titirangi ang nagrereklamo dahil nasisira raw ang kanilang tulog sa panggugulo ng mga mababangis na hayop.

Maliban sa ingay na ginagawa ng mga manok, sinisira din umano nila ang ugat ng Kauri tree, na isang endangered species sa New Zealand, at nagkakalat ng mga tirang pagkain na umaakit sa mga malalaking daga.

Nagtutulungan ngayon ang komunidad upang maihanap ng permanenteng tirahan ang mga manok na lalong dumami sa kasagsagan ng quarantine sa bansa.

bottom of page